About Me

My photo
Small girl with big dreams ✨

Friday, October 14, 2016

Love Consistency

Maaga pa. Halos mag na-9 na. Halos kauuwe ko lang galing sa pagkikita namin. Fifty nine months na kame. Sa halos mag lilimang taon na kami, paulit ulit lang yung nangyyre smen. Away, bati, away, bati. Minsan masaya pero mas madalas yung hinde. Sabi nila kapag lumagpas raw ng tatlong taon at kayo pa din, ibig sbhn kayo na talaga magkakatuluyan. Sa totoo lang hindi ako naniniwala dun. I don't believe in destiny. I believe that there's no such thing like serendipity, fate or kismet. I don't know, but the thing that i really believe is the power of love. On how you handle your relationship with someone. Hindi mo naman kasi talaga masasabi kung kayo na talaga. Ayun lang siguro yung nakatatak sa isip mo kaya isa ka sa naniniwala sa destiny. Naniniwala ko sa Diyos, na may kakayanan siyang i-control ang mundo. Kahit naman kinokontrol ng Diyos ang mundo, tao pa rin yung magdedesisyon. Halos 6 months na ata nung huli akong nag publish ng post dito. Nag popost lang nmn kasi ko ako kapag hindi ok yung pakiramdam ko.

Kanina kasi, may nasabi ako na hindi ko dapat sabihin. Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at nasabi ko yun. Bakit ba kasi ganito kakitid ulo ko? Ang tanga tanga ko. Yung taong sobra sobra pagmamahal sakin parang nilalayo ko mismo sakin, though alam kong hindi ko din nmn talaga kayang iwan siya at maiwan mag-isa. Habang tumatagal, lalong nggng kumplikado ang bawat araw samin. Sabayan mo pa ng sandamakmak na requirements sa sschool. Naisingit ko pa talaga yung pakikippaghiwalay ngayong stress na stress na kaming dalawa. Tanga ka talaga ashen! @#$%^*?!! ayan dapat sayo! minumura, sinasampal, tinadayakan para magising sa katotohanan! Hindi na talaga tama ginagawa ko. Sana patawarin mo ko sa mga oras na sobrang sakit na yung nasasabi ko sayo. Sumabog lang agad ako kanina at nabigla. Huwag mo sanang isipin na hindi na kita mahal. Ako pa talaga may ganang mag emote ng ganito e ako na nga yung nanakit. Para sa boyfriend ko, pasensya ka na sa katikiran ko ng ulo ko. Sa tuwing inaaway kita, hindi kinakausap, hndi tinetext. Hindi ko gusto yun. Mataas lang talaga pride ko. Patawarin mo dn ako sa mga times na nasusungitan kita at nakakapagsalita ng masasakit na salita sayo. Hindi ko mean lahat ng yun. At sa mga oras na nagkakagnun tayo, ikaw pa mismo yung umaayos at umaako ng kamalian kahit at the first place ako naman talaga may kasalanan. Thank you at hindi ka nagsasawang mahalin ako kahit ganito ko. Minsan naisip ko, paano ka nga ba nagkagisto sakin? anong nagustuhan mo? Hndi naman ako maganda at lalong hindi mabait. Bugnutin at mainitin ulo ko pero gusto mo pa rin ako. Sa tingin ko nagayuma ata kita at ganyan mo ko msydong mahalin kahit sa 100% love na binibigay mo e ni hindi nasusuklian ng appreciation sakin. Masyado ksi akong selfish. Katulad kanina, sarili ko lang iniisip ko. Mas gsto ko pang hindi tyo magkita kesa ma-out of place sa mga kaklase mo. Tapos makikipaghiwalay pa ko sayo. Bilib na bilib ako kahit minsan hindi mo naisip na iwan ako. Kahit di mo sabihin alam kong may sakit lagi sa puso mo dhil sakin. Punong puno na siguro ng aches yang pusong yan. Pero kahit ganun patuloy pa rin yung pagmamahal mo sakin. Sabi ko sayo kanina, hindi ko kayang sabihin sayo yung nraramdaman ko ng harapan. Kaya ito dito ko na lang sinabi. Hayaan mo papakabait na ko, iiwasan ko na ang mabilis na galit sayo. Mas iintndihin na kita. Hindi na ko mag iinarte at mabebeastmode lagi. Hindi na tayo iiyak in public, hindi na kita paiiyakin, hindi na kita sasaktan at di ko na ipaparamdam sayo na hindi na kita mahal. Naalala mo ba nung second year? magkatabi tayo, nung time na hinawakan mo kamay ko kasi tinitingnn mo yung singsing ko na sa lola ko dati? Dun nagsimula lahat hnggng sa ngkatextan na tayo. Hanggang sa naging tayo. Yung pag iintay mo sakin pagpasok sa school at pag awas? hanggang service pinupuntahan mo ko. Tpos pagkauwe magkatext pa rin tayo. Hnggng hatinggabi. Kwek kwek, fishball o proben masaya na tayo. Hindi man tayo katulad ng mga mag syotang nagdadate kung saan saan e mas strong naman relasyon natin sa kanila. Hindi man tayo nakakagala sa malalayo e okay lang satin. 59 months tayong ganun. May away man sa loob ng 59 buwan na yun e naaayos agad. Dumadating man tayo sa punto ng paghihiwalay e naaayos din natin sa huli. Eto tayo mag lilimang taon na. Pero ako pa rin yung unang bumibitaw sa lahat ng napagdaanan natin. Di ko man lang naisip yung msasayang araw na magkasama tayo. Mahal na mahal kita beh sobra sobra. Ugali ko lang ang mali.
Pasensyahn mo na ko ha? I love you JHASTER! Ikaw lang una at huli kong mamahalin. Magbabago na ko. Wag ka magsawang intindihin ako ha? Mahal na mahal kita. Lahat ng away natin papalitan ko ng masasayang tawa. Hindi na iyak. Wag mo ng isipin yung kanina ha? :*








HAPPY 59TH MONTHSARY!!! 
(Next monthsary natin di na away regalo ko)